Quote

Sa Bawat Pag-iwas Sa’yo

Nagtatago, sumisilip, mahagip ang iyong ngiti

Lihim na tumititig sa iyong mapulang labi

Abot langit ang ngiti masilayan iyong mga mata

Bilis ng tibok ng puso kumakabog sa matinding kaba

 

Kapag ikaw ay napalingon

Biglang iwas, sabay takbo

Kapag ika’y lumapit sa akin

Mata ko’y biglang napapapikit

 

Maari bang sabihin sayo na mahal kita

Ngunit bakit hindi maamin

Natatakot na muling masaktan

Dahil ang nakaraan ay nilimot ko na

 

Alam kong hindi ka iibig ng isang katulad ko

Marahil nakaikainis ang makita ako

Dahil ang taong katulad ko

Walang karapatang magmahal ng totoo

 

Kung sakaling makita mo akong muli

Wag ng ipadama ang matamis na ngiti

Dahil ang dulot nito sa akin ay pighati

Ang malaman na ang pagibig ay isang pagkakamali

Image

Ang UMAASA

Nais kong makita ang iyong mga ngiti

Sa aking mga kamay manatili

Hawak ang mga pangarap sa bituin

Mananatili sa aking damdamin

Kahit di pansin aking sasambitin

Aaraw-aarawin ang pagch-chat

Kahit maseen-zone, okay na

Basta mabasa ang aking sulat

Kahit masaktan, bahala na

Basta malaman mong, iniibig kita

Umaasa na sana iyong mapansin

Ang nakatagong himig ng aking damdamin

Nagkukubli handang ipabatid

Ang pagmamahal na nalulumbay

Sa iyong pagdating

Hindi magsasawa kahit masasaktan

Sa ngayon di ka mahal

Sa kinabukasan “may tayong dalawa”

Nanaginip maging sa umaga

Na sa simbahan tayo’y magkakasama

Ngunit bakit sa tuwing aking naiisip

Anong bigat ang aking nadarama

Mailarawan at maguhit sa aking mata

Ang makita kang may mahal ng iba

Nangangarap na sana’y ako nalang