Nung tinawag mo akong BESTFRIEND

**credit to the owner of the photo

 

Ako’y nalilito akala ko’y okay na tayo

Nagcha-chat pa nga tayo at nagpaloko-loko

Tinatawag-tawag pa nga kitang aso’t payaso

Ngunit sa isang salita bigla nalang nagbago

 

Ang sabi mo nga sa akin, ako’y gusto mo na rin

Ngunit ‘di mo ba napapansin ang lihim kong pagtingin

Akala ko’y pag-ibig na ito para sa atin

Ngunit sa isang salita nasaktan ang damdamin

 

Ano ba itong kirot, ano nga ba itong poot

Nagpapakalasing para lang muling makalimot

Ngunit pagkagising na alala, pusong may kirot

At dahil nga ito sa isang salitang may harot

 

Nababaliw, napa-praning sa kakaisip sayo

‘Di matatangal, mawawala maging sa puso ko

Akala mo siguro ako lang ay nagbibiro

Pag-ibig ko tuloy, wasak sa isang salita mo

 

Heto na nga’t isinulat ko para malaman mo

Kung gaano kita kamahal, dito sa puso ko

Ako’y seryoso’t tunay na nagpapakatotoo

Kaya huwag mo ng babanggitin ang salitang “BESTFRIEND”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s