BFF: Best Friend’s Fear

 

Sa matagal na panahon kong itinago

Sa dalawang salita’y maaaring magbago

Pagkakaibigang matagal nating binuo

‘Di ko nanaising mga puso nati’y mabigo

 

Kung aking sasabihin

Masasaktan ang bawat damdamin

Mabuti ng ilihim ang aking nararamdaman

Upang pagkakaibigan ay mapagyaman

 

Ngunit sa bawat oras na ika’y kasama

‘Di mapagkakaila na ako’y lubos na masaya

Sa araw-araw nais na makapiling ka

At sa buong buhay ikaw lang aking sinta

 

Sa bawat ngiti sa iyong mga mata

Isip ko’y tila sasabog na

Sa bawat oras na kapiling ka

Nangangambang ipagsigawang mahal kita

 

Ako’y natatakot na tuluyang malimot

Itong lihim na pagibig na puno ng poot

Kung sa oras na ito’y aking sasabihin

Mahal kita, ito ba’y iyong tatangapin

 

Marahil labis na may pagaalinlangan

Ngunit di dahil ako’y nagtatangahan

Kung ‘di ako’y may pinaglalaanan

At ito’y pagibig na walang hangganan

 

Hindi na bale na ako’y masaktan

Dahil lagi kong ipagsisigawan

Mawala man ang ating pagkakaibigan

Maaari naman tayo’y magkatuluyan

 

Hindi na dapat mangangamba

Kung magwakas kaibigan ang samahan

Dahil may laging namumuong pagasa

At sa simbahan tayo ay magkakasama

 

Araw-araw ko sa iyo’y sasambitin

Kung gaano kita minamahal

Sa mga bituin sa kalangitan

Pagibig nati’y habang buhay magtatagal

 

credit to the owner of the photo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s