Ang Mabuting Kaibigan

 


Gusto ko lang naman na maging masaya

Yung tipong tawanan at tuksuhan

Lunurin ang sarili sa sobrang ligaya

Ngunit sa kabila nito, inaamin kong ako’y nasasaktan

.

Hindi naman masamang maghangad ng pag-ibig

Subalit kung ika’y nagkamali sa pagpili

Marapat lamang na itikum na lamang ang bibig

Upang maiwasan ang isa pang pagkakamali

.

Ano nga pa’t binigyan ka ng mabuting kalooban

Kung ni isa walang nanatili upang ipaglaban ka?

Di ba’t eto na ang tamang oras para mag isip-isip ka?

Kung tama ang mga taong ninais mong makasama

.

Marahil siguro kayo’y magtataka

Sa mga salitang aking ibinabatid

Ngunit nais ko lamang ipamukha

Hindi lahat ng tao ay mabuti na nasa iyong paligid

.

Pagkatapos ng pagiging mabuti

Saka ka lang iiwan at isasantabi

Parang isang basura na pakalat-kalat

Isang tubig na puno ng alat

.

Ang tunay na kaibigan ay handang mahalin ka

Sa kaitaasan o kababawan ng iyong buhay

Hindi ka isang kasangkapan para sa sariling kapakanan

Kung di isang biyaya na magbibigay ng saya sa bawat isa

.

Ipinangako ko sa aking sarili

Na ang pag ibig ay syang mananatili

Sapagkat ang puso na puno ng kabutihan

Ay parang isang bulaklak na mamumukadkad ng kaligayahan


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s